Thursday, January 31, 2008

Isang Panawagan: Be True to Who You Are.



Ako po ay nananawagan sa lahat nang may kaibigan na nagsusuot o d kaya'y nagdidisplay nang hindi dapat sa kanila tulad nang mga sumusunod:

  1. Mataba na nagsusuot nang hanging T or basta yung labas ang Bil-Bil,
  2. Hindi seksi na nagsusuot nang T-Shirt na naka-sulat ay SEXY,
  3. Mga hindi pogi na may sinusuot or may e-mail or even license plate na POGI etc.
  4. Mga lalake na nagsusuot nang T-Shirt nang kapatid nilang grade 5, unless Dance Instructor ka, big fan nang Broke Back Mountain, or masyado mainit ang dryer mo at wala ka nang pambili nang pamalit,
  5. Yung mga nagtatrabaho sa Customer Service Oriented na trabaho tapos nakalantad sa mga leeg na mga chikinini na parang maiitim na birth mark,
  6. Mga magaganda at seksi na sobrang "manang" ang suot, sayang... ,... sayang... haayy...
  7. Mga nagle-leather jacket dito sa Guam, ahh... HELLO?
  8. Mga naka-shades na madilim sa loob nang bahay, mall, basta sa loob, unless may Walking Dog ka rin o di kaya'y nagpapart-time sa Quiapo,
  9. Yung mga poser dyan, na walang ginawa kundi magkunwari, mainggit, manggaya at manloko nang kapwa, magpakatotoo kayo, nakabantay ang Diyos sa ating lahat at alam nya ang totoo.

Ito ay ilan lamang na priority nating kailangang nating ayusin, kung may kaibigan kayong ganito ay please, be a friend at pagsabihan nyo naman... Lahat tayo makikinabang kung magtutulungan lang tayo. =) We can make this a better place to live 1 person at a time.

Kung may gusto kayo idagdag, mag-add lang kayo nang comment.

Noypi

No comments: